JERRY OLEA

Lampas 500K views na ang unang anim na episode ng Pinoy Boy Love series na Gameboys nitong Hulyo 10, 2020, Biyernes ng gabi, bago ipalabas ang ikapitong episode na "The Elephant in the Room" sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company.

Naayos na ang gusot nina Cairo (Elijah Canlas) at Gavreel (Kokoy de Santos) na nilikha ng bugok na si Terrence (Kyle Velino).

Sinabihan ni Pearl (Adrianna So) si Gavreel ng potassium—"potah na, assuming pa"!

Nagpagupit ng buhok si Cairo. Lalo itong pumogi sa paningin ni Gavreel.

Ang saya-saya nina Cairo, Gavreel at Pearl sa kanilang virtual dance party.

Dalawang bagong tauhan ang ipinakilala sa kuwento—ang Kuya London (Jerome Canlas) at Mommy Leila (Sue Prado) ni Cairo.

Pinanood ng CaiReel ang pelikulang Sleepless (2015), kung saan nagtabi sa kama ang mga karakter nina Glaiza de Castro at Dominic Roco, pero hindi sila nag-Netflix and chill.

Hindi natapos ang panonood nina Cairo at Gavreel ng pelikulang idinirek ni Prime Cruz. Tinawagan kasi si Cairo ng kanyang mommy.

Siyanga pala, mapapanood na ang unang episode ng Pinoy BL series na In Between: Sa Pagitan ng Kamusta at Paalam ngayong Hulyo 11, Sabado, 8 p.m., sa YouTube channel ng USPH TV.

Bida rito ang mga atletang sina Migs Villasis at Genesis Redido, sa direksyon ni Briliant Juan.

Pagkalipas ng apat na oras, pagkaraan ng hatinggabi, matutunghayan ang ikapito at penultimate episode ng Sakristan.

View this post on Instagram

A post shared by SW Collective Network (@sw_collective) on Jul 4, 2020 at 11:21pm PDT

Bida rito sina Clifford Pusing at Henry Villanueva, sa panulat at direksyon ni Darryl Yap.

GORGY RULA

Bilib ako sa bumubuo ng Gameboys na talagang nakakapag-isip sila ng mga bagong idea na nakakaaliw panoorin online.

Type ko iyong sa episode 6, "Secret Party," iyong video na nag-sorry si Cairo (Elijah Canlas) kay Gavreel (Kokoy de Santos). Nakakaaliw panoorin.

View this post on Instagram

A post shared by Gameboys The Series (@gameboystheseries.ph) on Jul 1, 2020 at 7:01am PDT

Itong huling episode naman ay winner iyong hirit na "potassium" ni Pearl (Adriana So), at ang virtual party nila.

Kahapon, ibinaba ang desisyon ng Kongreso sa franchise ng ABS-CBN Channel 2, na napakabigat isipin.

At least, kinagabihan, narinig kong tumitili sa kilig si Sir Jerry nang pinanood na itong Gameboys.

Itong mga BL series na ito kagaya ng Gameboys ang kahit paano nakakapagpakalma sa bigat na nararamdaman natin sa mga nangyayari sa paligid natin.

Special mention lang pala kay Kokoy de Santos dahil magaling talaga siyang umarte.

NOEL FERRER

Kakaiba ang Gameboys dahil pawang hooked ka sa mga character at mahuhusay talaga silang umarte.

Sa Hello Stranger na nakatatlong episode na, OK sana pero parang tinatamad ang pag-arte ng mga bidang sina Tony Labrusca at JC Alcantara, habang overeager naman ang mga barkada na sina Vivoree Esclito, Patrick Quiroz, at Miguel Almendras.

View this post on Instagram

A post shared by Miguel Almendras (@migs_almendras) on Jun 16, 2020 at 5:07am PDT

Sana pa rin, patuloy tayong aliwin ng mga panooring ito, lalo na ngayong sobra ang lungkot at galit ng mga tao sa nangyayari ngayon.

JERRY OLEA

As of this writing, umabot na sa 275K views ang Episode 7, "Elephant in the Room," ng Gameboys. In-upload ito nitong Biyernes ng 6 p.m.

Kagabi rin in-upload, pero nauna sa "Elephant in the Room," ang bagong payanig ng kapitbahay serye (KBS) ni Rico Bautista.

So far, ang "KBS presents BAKIT MO AKO INIWAN" ay naka-45K views na sa YouTube channel na Rico Bautista, at 236K views sa Facebook personal blog na Aling Nena.

View this post on Instagram

A post shared by Aling Nena 14 (@inricobautista) on Jul 5, 2020 at 6:32am PDT

The who si Aling Nena?

Siya ang plastikadang neighbor ni Paring na ang infamous line sa kanyang kumare, "Walang ganun, mars!"

Si Aling Nena ang ina ni Nenita, na kalaro ng 16-anyos na si Feliza, na anak ni mars (Paring) na sakdal lusog ang dibdib.

Ang apat na pangunahing tauhang iyan sa kapitbahay serye ay pawang ginagampanan ni Rico Bautista, isang guro na taga-GMA, Cavite. Marami pang ibang supporting characters sa KBS na si Rico ang gumaganap, gaya ng barangay captain na si Kap, ang sekretarya ng barangay na si Sek, ang nagpapautang na si Paquita, ang manghuhula na mukhang mangkukulam, ang magulang ni Christopher Tuazon, at kung sinu-sino pa.

Ang TikToker na si Christopher Tuazon ang sanhi kaya maikling-maikli ang buhok ni mars.

Siyanga pala, ang "KBS presents ANG UTANG PWEDENG BAYARAN" na in-upload noong Hulyo 5 ay naka-122K views na sa YT, at 419K views sa FB.

Ang "KBS presents Ang Panaginip" na in-upload noong Hunyo 29 ay naka-242K views na sa YT, at 158K sa FB. Guest dito si Alvin Pitero bilang Bumbay na Prinsipe, at nag-location ang episode na ito sa "Encantadia."

Iyong "KBS presents Hula" na in-upload noong Hunyo 25 ay naka-181K na sa YT, at 821K views sa FB.

Sa tuwi-tuwina ay may babala si Rico Bautista na ang mga videong ito ay ka-emehan lamang at hindi dapat seryosohin. Pagdidiin niya, "Kung di ka masaya, wag mo kaming idamay!"

Microsoft may earn an Affiliate Commission if you purchase something through recommended links in this article.
Feedback

Found the story interesting?

Like us on Facebook to see similar stories


Send MSN Feedback

We appreciate your input!

Please give an overall site rating:

免费可以看黄的视频