Kapansin-pansing mas payat ang pangangatawan ni Angel Locsin, 35, sa larawang ipinost niya sa Instagram ngayong hapon ng Huwebes, June 25.

Nakasuot ang aktres ng ternong itim na blouse at slacks, at may suot din siyang face mask.

Kitang-kitang ang pagkakaiba ng kanyang pigura kumpara sa mga larawan niyang nag-viral noong June 18.

Ang undated viral photos ni Angel last week ay kinunan nang magpunta siya sa Mauban, Quezon, para sa taping ng kanyang public service program na IbaYan, na napapanood sa Kapamilya Channel.

Base sa caption ng kanyang bagong post, nasa field work uli si Angel para sa episode ng IbaYan, na idinidirek ng kanyang fiancé na si Neil Arce.

View this post on Instagram

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin) on Jun 24, 2020 at 11:16pm PDT

Sunud-sunod ang sagot ni Angel sa mga well-wishers sa kanyang post, kagaya ng singer na si Jamie Rivera at ng direktor na si Mae Cruz: a screenshot of a cell phone © Provided by PEP.ph

a screenshot of a cell phone © Provided by PEP.ph

ANGEL NO COMMENT ON BODY-SHAMING ISSUE

Wala namang reaksiyon si Angel pagdating sa body-shaming issue na ibinato sa kanya nitong mga nakalipas na araw.

Kung ano ang ingay ng isyu ay siya namang pagiging tahimik ni Angel.

Malinaw ang pahiwatig ng aktres na ayaw niyang patulan ang isyu, at mas nais niyang ituon ang kanyang atensiyon sa pagtulong at sa trabaho.

Samantala, may makahulugang quote na ipinost si Angel sa kanyang Instagram Story noong June 23, Martes.

Ang mensahe ay may kinalaman sa crab mentality.

Ito ang quote: "Blowing out someone else’s candle doesn’t make yours shine any brighter."

a white sign with black text © Provided by PEP.ph

CELEBRITIES RALLY BEHIND ANGEL

Hindi lahat ay batikos kay Angel nang pag-usapan ang kanyang viral photos.

Sa katunayan, mas nangibabaw ang mga papuri sa aktres, na hindi humihinto sa pagtulong kahit may pandemya.

Mensahe ng kanyang mga tagapagtanggol, kagandahan lang ang nakikita nila sa aktres.

Mas nangingibabaw raw ang mabuting kalooban ni Angel, at wala na itong kailangang patunayan.

Ito rin ang nakita sa kanya ng ilang kapwa niya artista at performers na nagpahayag ng paghanga kay Angel.

Isa na rito ang Kapuso actress na si Kylie Padilla.

Nag-post ang isang entertainment page sa Instagram ng ganito: "Angel Locsin has nothin to prove. She is two-time FHM Philippines’ sexiest woman and our real life Darna."

Komento ni Kylie: "Beautiful inside and out."

a screenshot of a cell phone © Provided by PEP.ph

Ganito rin ang tweet ng singer-actor na si Byan Termulo.

Tinanong ng netizen ang singer kung ano ang masasabi niya sa "pag taba" ni Angel.

Sagot ni Bryan: "Mas tinitingnan ko ang taba ng puso nya sa pagtulong [smile emoticon] hindi ang physical aspect.

Maanghang din ang komento ng "Tawag Ng Tanghalan" All Star Grand Resbak contender na si Sofronio Vasquez.

Tweet nito: "Angel Locsin is till her. Chunky or not, maganda sya inside and out. [raising hands emoji] Fuck Bashers! she don’t deserve it."

  a screenshot of a cell phone © Provided by PEP.ph

© Provided by PEP.ph  

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Microsoft may earn an Affiliate Commission if you purchase something through recommended links in this article.
Duterte set to announce new quarantine classifications Next Story

New quarantine classifications set

Feedback

Found the story interesting?

Like us on Facebook to see similar stories


Send MSN Feedback

We appreciate your input!

Please give an overall site rating:

免费可以看黄的视频