Kahit nasa Cebu pa ngayon si John Lloyd Cruz, hindi ito ligtas sa panlilibre kay Bea Alonzo.

Noong June 24 ay nagdiwang ang premyadong aktor ng kanyang ika-37 kaarawan.

Nagpaabot si Bea ng belated birthday greeting para kay John Lloyd, Huwebes ng gabi, June 25.

Naka-tag ang Instagram account ni John Lloyd na @dumpsitegallery.

Sabi ni Bea, "Happy birthday Idan! Hihintayin ko treat mo pagbalik mo!"

Idan ang palayaw ni John Lloyd sa mga kapamilya at malapit na kaibigan nito.

Mula ito sa Instagram Story ni Bea na may kalakip na litrato nila ni John Lloyd na kuha sa isang open-air eatery sa probinsiya.

a screen shot of John Lloyd Cruz © Provided by PEP.ph PHOTO: @beaalonzo Instagram

Tila kuha ito nang mag-shoot sila sa El Nido, Palawan para sa isang endorsement noong June 2019.

Kasalukuyang nasa Cebu si John Lloyd, at doon siya namalagi mula pa nang ipatupad ang ECQ noong Marso. 

Hindi malinaw kung kailan babalik ng Manila ang aktor dahil abala ito sa adhikain nitong makatulong kahit sa maliit na paraan sa mga residente sa barangay na tinutuluyan ng aktor sa Cebu.

PREVIOUS SIGHTINGS

Sa parte ni Bea, minsan niyang nasabi na hindi naputol ang komunikasyon nila ni John Lloyd kahit noong panahong nag-lie-low sa showbiz ang aktor.

Noong February 5, namataang magkasama ang dalawa sa isang restaurant sa Makati.

Bea Alonzo, John Lloyd Cruz posing for the camera © Provided by PEP.ph PHOTO: JANELAIZA BAGAS CATUDIO VIA @BEAJOHNLLOYDFOREVER INSTAGRAM

Nasundan ang kanilang pagkikita noong February 18, at kasama pa nila ang kapanabayan ni John Lloyd sa showbiz na si Baron Geisler.

Baron Geisler, Bea Alonzo posing for the camera © Provided by PEP.ph PHOTO: @BARON.GEISLER (CENTER) / @VICTORIA_BELO (JOHN LLOYD) / @BEAALONZO INSTAGRAM

Kilala sina John Lloyd at Bea bilang perennial love team na nakagawa ng pitong teleserye at walong pelikula.

Isa sa pinakasikat nilang tambalan ay ang iconic romance drama film na One More Chance.

Kaya marami sa kanilang avid fans ang natuwa nang magsama sila sa live script reading ng That Thing Called Tadhana, sa Ayala Triangle, Makati City, noong February 14. 

a group of people sitting on a stage © Provided by PEP.ph PHOTO: SCREENGRAB FROM INSTAGRAM / STAR MAGIC PHILIPPINES

LAGLAGAN VIDEO CHAT

Nitong nagdaang quarantine, sumalang ang dalawa sa Instagram Live para sa isang unconfined cinema project, na may halong laglagan portion tungkol sa makulay na love life ni John Lloyd.

Patunay raw na sobrang close sila ay alam ni Bea kung sino ang "first love" at "great love" ng aktor, pero mabilis na sinaway ni John Lloyd ang dalaga. 

"Huwag na! Naniniwala na ako. Sobrang close tayo," napapangiting sabi ni John Lloyd. 

Pero sa latter part ng kanilang usapan, ibinuking ni Bea na "G.L." o great love umano ni John Lloyd si Sarah Geronimo, na nakatambal ng aktor sa apat na box-office films.

Umiwas si John Lloyd na magkomento sa panunukso ni Bea. 

© Provided by PEP.ph PHOTO: @beaalonzo Instagram Live

Dati nang inamin ni John Lloyd sa isang TV interview na binigyan niya ng singsing si Sarah noong kasagsagan ng pagiging malapit nila. Ibinalik nga lang iyon ni Sarah dahil sa payo ng mga magulang nito. 

Sa pagpapatuloy ng Instagram Live, biniro rin ni Bea si John Lloyd na paborito nito ang trilogy movie na My First Romance (2003), dahil kasama sa pelikulang iyon si Heart Evangelista. 

Nanlaki ang mata ni John Lloyd nang banggitin ni Bea si Heart, pero wala nang ibang kinomento pa sina John Lloyd at Bea. 

Sa YES! Magazine July 2010 issue, inamin ni John Lloyd na may ilang buwan silang nag-date ni Heart noong 2005.

BEA-JOHN LLOYD romance rumors in the past

Sa tagal na magkatambal nina John Lloyd at Bea, hindi rin sila nakaligtas sa romance rumors

Noong January 2016, naging tampok ng espekulasyon ang diumano'y espesyal na unawaan nila. 

Sinasabing naging extra close daw ang dalawa mula nang gawin nila ang pelikulang A Second Chance, na ipinalabas noong November 2015. 

Tiyempo pa na noong January 2016, napabalita ang breakup ni Bea at boyfriend nito noong si Zanjoe Marudo, at sumunod na naulat ang breakup ni John Lloyd sa nobya nito noong si Angelica Panganiban. 

Nang mga sumunod na buwan, sa hiwalay na panayam nina John Lloyd at Bea, pareho nilang pinabulaanan ang isyu. Nanindigan sila na mabuti lang silang magkaibigan. 

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Microsoft may earn an Affiliate Commission if you purchase something through recommended links in this article.
Next Story

Quiboloy, kinutya muli ang ABS-CBN

Feedback

Found the story interesting?

Like us on Facebook to see similar stories


Send MSN Feedback

We appreciate your input!

Please give an overall site rating:

免费可以看黄的视频